Hiling na temporary restraining order ng dating Cebu City official na ipinaaaresto ng Sandiganbayan, pinagbigyan ng Korte Suprema

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang petisyon ni dating Cebu City Administrator Floro Casas Jr. kaugnay sa pagpapaaresto sa kaniya dahil sa reklamong malversation of public funds at graft and corruption.

Ito ay matapos mag-isyu ang Kataas-taasang Hukuman ng temporary restraining order laban sa pagpapaaresto ng Sandiganbayan sa dating opisyal.

Inihain ni Casas ang petition for certoriari na humihiling na maglabas ng TRO matapos siyang sampahan ng reklamong malversation at graft ng Office of the Ombudsman.

Nag-ugat ang kaso mula sa reklamong inihain laban kay Casas at ilang opisyal kaugnay sa umano’y anomalya sa koleksiyon ng basura sa ilalim ng administrasyon ni dating Cebu City Mayor Edgardo Labella.

Samantala, inatasan naman si Casas na maghain ng isang milyong pisong bond alinsunod sa rules of court.

Facebook Comments