Hiling na travel authority para sa 16 na bansa ni Congressman Pulong, pinagbigyan ng Kamara

Inaprubahan ni House Secretary General Reginald Velasco ang panibagong travel clearance na hiniling ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte para makabyahe sa dagdag na 16 na mga bansa mula March 20 hanggang May 10, 2025.

Kinabibilangan ito ng Hong Kong, China, Malaysia, Indonesia, Korea, Vietnam, Cambodia, USA, Australia, Great Britain, Northern Island, Germany, France, Belgium, Italy, at Singapore.

Magugunita na unang pinagbigyan ng Kamara ang hiniling na travel authority ni Congressman Pulong para sa kanyang byahe mula March 12 hanggang April 15, 2025.


Saklaw ng unang travel clearance ni Rep. Duterte ang pagbyahe nya sa Japan at The Netherlands sa harap ng pagkaditine ngayon ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague dahil sa kasong crimes against humanity na nakahain sa International Criminal Court (ICC).

Facebook Comments