Hiling na travel clearance ni Rep. Paolo Duterte, hindi dapat aprubahan ng liderato ng Kamara

Nananawagan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio kay House Speaker Faustino Bodjie Dy III na huwag pagbigyan ang hiling na travel clearance ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte para makabyahe sa 17 mga bansa simula December 15, 2025 hanggang February 20, 2026.

Katwiran ni Tinio, ang hirit ni Duterte ay abuso para sa taumbayan na nagpapasweldo sa mga elected representatives bilang public servants.

Giit ni Tinio, hindi maganda na maganda kung papahintulutan ang personal na lakad sa abroad ni Duterte sa panahong may session ang Kamara.

Punto pa ni Tinio, hindi naman miss universe si Duterte para maglibot sa iba’t ibang bansa dahil ang trabaho nito ay katawanin ang kanyang distrito para maisulong ang intres ng kanyang constituents sa mga committee hearings ng Kamara o sa plenary session.

Kaduda-duda din para kay Tinio ang timing ng planong pagbyahe sa abroad ni Rep. Paolo sa panahon na inaanyayahan sya ng Independent Commission for Infrastructure para sumagot ng ilang katanungan hinggil sa mga public infrastructure projects sa kanyang distrito na hangang ngayon ay hindi pa nya sinasagot sa alinmang forum.

Pinaalala rin ni Tinio na hindi uubra ang apela ni Duterte na payagan syang dumalo sa mga session at committee hearings virtually dahil ito ay pinapahintulutan lang sa mga emergency situations.

Facebook Comments