Hiling ng BURI na makipagpulong kay Pangulong Duterte, hinarang ng Malacañang

Manila, Philippines – Walang nakikitang dahilan ang Palasyo ng MalacaƱang para payagan ang request ng BURI na makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ng MalacaƱang sa harap na rin ng hiling ng BURI na makipagpulong kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, wala silang nakikitang dahilan para makipagkita pa si Pangulong Duterte sa mga opisyal ng BURI.


Paliwanag ni Roque, kinansela na ng pamahalaan ang kontrata ng BURI bilang Maintenance Provider ng MRT line 3.

Kaugnay niyan ay una nang sinabi ni Roque na hindi pa siya makapagkokomento sa pagbibitiw ni Transportation Undersecretary for Rails Caesar Chavez at aabangan nalang aniya nila ang magiging desisyon dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments