Masyado nang late ang hiling ng Department of Labor and Employment na sertipikahan bilang urgent ang Anti-Endo bill.
Ito ang sinabi ni Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay dahil patapos na rin naman ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Para sa kanila, matagal na ring patay ang panukala mula noong i-veto ni Pangulong Duterte ang anti-Endo.
Kasunod nito, posible din aniyang ginagamit lang ito bilang pakulo lalo na’t nalalapit na naman ang 2022 elections.
Matatandaang vineto ni Pangulong Duterte ang Anti-Endo bill noong 2019 dahil kailangan umanong balansehin ang mga concern ng employers at mga manggagawa.
Facebook Comments