Naniniwala ang Philippine Exporters Confederation Inc. (PHILEXPORT) na maliit lang ang epekto sa Pilipinas nang hiling ng European Union Parliament na revocation sa Generalized Scheme of Preferences plus o GSP+ tariff-free export.
Nabatid na dahil sa seriousness ng human-rights violations” sa Pilipinas, hiniling ng mga mambabatas ng European na alisin na ang GSP+ na nagbibigay sa bansa ng prebilihiyo na mag-export ng zero-duty merchandise sa mga member states ng EU.
Sa interview ng RMN Manila kay PHILEXPORT President Sergio Ortiz-Luis Jr., tinatayang nasa 2 percent lang ng total exports ng bansa ang apektado na nag-aavail ng GSP+ sa EU market.
Bagamat apektado ang ilan sa mga produktong tulad ng pinya, mangga tuna, gulay, mani, kape, cacao at furniture, hindi naman aniya aabot sa 200,000 na mga trabaho ang mawawala.
Kumpiyansa rin si Luis na mareresolba ng Pilipinas ang isyu nito sa EU bago matapos ang 2-years na grace period sa pagpapatupad ng GSP+ revocation.
Una nang nagbabala sa Duterte adminstration si Vice President Leni Robredo at ang grupong Associated Labor Unions (ALU) na nanganganib na mawala ang maraming trabaho at negosyo sa bansa kapag hindi natugunan ng gobyerno ang mga isyung inilabas ng EU.
Batay sa Department of Trade and Industry, ang pagkakaloob ng GSP+ tariff-free export noong 2014 ay nagpataas ng export ng pilipinas sa EU ng 35% at lumikha ng 200,000 pang mga trabaho.