Ipinauubaya na lamang ng Department of Health (DOH) sa Inter Agency Task Force (IATF) kung aaprubahan o hindi ang hirit ng healthcare workers na i-exempt sila mula sa overseas deployment ban.
Ang mga nananawagang healthcare workers ay mayroong pirmadong overseas employment contracts mula nitong August 31, 2020.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na suportado at kinikilala nila ang hiling ng mga healthcare workers lalo na kung mayroon silang kontrata para makapagtrabaho sa ibang bansa.
Dagdag pa ni Vergeire, ang kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa ay makatutulong sa ekonomiya ng bansa.
Nilinaw ni Vergeire na pansamantala lamang ang deployment ban ng Filipino health workers abroad lalo na at patuloy na nilalabanan ng bansa ang epekto ng COVID-19 pandemic.