Ibinasura ng Commission on Election (COMELEC) ang kahilingan ng maraming opisyal ng barangay na gamitin ang ilang bahagi ng kanilang pondo sa barangay fund.
Sa press briefing sa COMELEC, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, na maraming barangay sa buong bansa ang sumulat sa kanila para magamit ang kanilang pondo sa pagpapagawa ng mga proyekto at social services.
Gayunpaman, tinanggihan aniya nila ang lahat ng request na ito dahil posibleng gagamitin lamang ito ng mga kasalukuyang opisyal para sa kanilang pangangampanya.
Tanging ang operating expenses lamang tulad ng sweldo, bayad sa kuryente, tubig at telepono ang pinahihintulutan ng COMELEC.
Babala ng COMELEC, idi-disqualify nila ang sinumang mga opisyal ng barangay na gagamitin ng pondo ng barangay at SK para sa pangangampanya.