Hiling ng ilang miyembro ng KAPA: Apolinario for President

Image via KAPA Media

Sinusulong ng ilang miyembro ng KAPA Community Ministry International na tumakbo bilang Pangulo ng bansa si Pastor Joel Apolinario.

Matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte imbestigahan at ipasara ang lahat ng opisina ng nasabing religious organization, nagsagawa ng mga prayer rally sa iba’t-ibang lugar ang mga kasapi nito.

Ayon pa sa ilang tagahanga ni Apolinario, maaring ikumpara sa mga miting de advance o political rallies ang inorganisa nilang pagtitipon para tuluyan pahintulutan ni Duterte bumalik sa operasyon ang KAPA.


Narito ang kanilang pahayag para sa founder ng KAPA:

Sa lumabas na bidyo nitong Hunyo 19, aminadong nagtatago ang founder ng kontrobersiyal na religious group dahil sa mga bantang natatanggap sa kanyang buhay.

Huling namataan ang mag-asawang Apolinario sa idinaos na prayer rally sa General Santos City noong Hunyo 13.

Wala pa siyang reaksyon ukol sa pakiiusap ng kanyang mga miyembro.

Facebook Comments