Hiling ng isang grupo na makapagsagawa ng Christmas convoy civilian mission sa Ayungin Shoal, hindi suportado ng NSC

Hindi pumayag ang National Security Council (NSC) sa hiling ng isang grupo na payagan silang makapagsagawa ng Christmas convoy civillian mission sa Ayungin Shoal.

Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, binigyang diin ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na maikokonsiderang hotspot ang Ayungin Shoal o mataas ang tensyon dito.

Marami na aniya ang mga pangyayari ang naganap sa Ayungin Shoal, katulad na lamang ng laser pointing ng barko ng China sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG), dangerous maneuvers, pagbangga sa mismong sasakyang pandagat ng bansa na kinomisyon para magsuplay sa ating tropa sa Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Sierra Madre at iba pa.


Kaya naman pinaiiwas nilang gawin ang anumang Christmas mission sa Ayungin Shoal dahil sa security concerns.

Maaari kasing isipin ng China na nag-uudyok ang gobyerno at mauwi pa ito sa mas mainit na sitwasyon.

Maaari naman aniyang iturn over na lamang ng grupo ang kanilang mga nakalap na donasyon at ang tropa na ng gobyeno na nagsasagawa ng resupply mission para makarating sa mga tropang nagbabantay sa BRP Sierra Madre.

Facebook Comments