Hiling ng mga bagong upong alkalde na magpalit ng Chief Of Police sa kanilang nasasakupan, pagbibigyan ng PNP

Hindi kokontra ang Philippine National Police kung mamimili ng chief of police ang mga bagong upong local chief executive sa kanilang nasasakupan.

 

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, sa ilalim ng batas, may kapangyarihan ang mga mayor na mamili ng hepe na mamumuno sa kanilang nasasakupan.

 

Inaasahan na rin daw nila ito dahil normal nang nagpapalit ang mga cop kapag nagpalit na ng mayor.


 

Pero ayon kay Albayalde may kwalipikasyon ang pnp na dapat sundin ng mga alkalde sa pagpili ng kanilang chief of police.

 

Kailangan aniyang maikonsidera ang ranggo ng mga PNP officers na itatalaga bilang chief of police sa kanilang nasasakupan.

 

 

Magbibigay aniya ng listahan ang PNP na pwede nilang pagpilian.

 

Sinang ayunan naman ito ni Atty. Rogelio Casurao, vice chairman ng NAPOLCOM at sinabing bahagi ito ng ‘administrative function’ ng mga mayor.

 

Matatandaan na kahapon, nanumpa na sa pwesto ang mga bagong mayor na nanalo sa eleksyon 2019.

Facebook Comments