Hiling ng Ombudsman na travel restrictions sa 77 na dawit sa flood control anomaly, hindi pa hawak ng BI

Wala pa sa Bureau of Immigration (BI) ang kopya ng hiling ng Office of the Ombudsman para sa foreign travel restriction sa 77 opisyal na dawit sa maanomalyang flood control projects.

Sabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval, isinasapinal pa ang listahan ng mga indibidwal na kasama sa travel restriction.

Kaugnay nito, nauna nang nagkaroon ng pulong ang mga tauhan ng Immigration at mga kinatawan ng Ombudsman.

Ayon sa BI, inaalam pa kung sino sa mga opisyal ang mga kawani ng gobyerno para matukoy kung sino ang saklaw ng pagbabawal makabiyahe.

Tiniyak naman ni Sandoval na agad nilang malalaman kung aprubado o hindi ang travel authority isang government employee na kinakailangang ipakita para makalabas ito ng bansa.

Facebook Comments