Umuusad na ang negosasyon ng pamahalaan at ng United Kingdom (UK) hinggil sa hiling nilang exemption sa deployment limit sa Filipino nurses.
Nabatid na nag-ugat sa isyung ito ang kontrobersiyang tila ikinalakal ang mga healthcare workers kapalit ng COVID-19 vaccines, bagay na itinanggi ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mayroong ‘developments’ sa hiling ng UK at tumugon na rito ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng bansa.
Hindi muna idinetalye ni Bello ang nilalaman ng desisyon ng IATF dahil ikinokonsidera itong confidential maliban na lamang kung i-aanunsyo ito sa publiko ng IATF.
Iginiit ni Bello na importanteng mabakunahan ang mga Filipino healthcare workers bago sila ipadala sa ibang bansa.
Ipinadala na ni Bello ang sulat ni UK Ambassador Daniel Pruce kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinatayang nasa higit 400,000 nurses ang mayroon ang Pilipinas.