Hiling ng United Nations Human Rights Council na isapubliko ang resulta ng imbestigasyon sa war on drugs, pinaboran ng CHR

Pabor ang Commission on Human Rights na isapubliko na ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni CHR Commissioner Karen Gomez-Dumpit na makatutulong na rin ito upang bumalik ang tiwala ng publiko sa Philippine National Police.

Ayon kay Dumpit, dapat patunayan ng pamahalaan na transparent sila at handang ibigay ang hustisya sa mga sinasabing biktima ng giyera kontra iligal na droga.


Kaugnay niyan, iginiit ni Cristina Palabay, Secretary General ng human rights group na Karapatan na nagpapatuloy ang mga ganitong insidente hangga’t hindi ipinapahinto ni Pangulong Duterte.

Kahapon, sinabi ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na dapat isapubliko ng gobyerno ng Pilipinas ang imbestigasyon sa drug war na ikinasawi ng libu-libong katao.

Facebook Comments