Hindi na mahihigitan ni dating Senator Bongbong Marcos ang lamang ni Vice President Leni Robredo kahit ituloy pa niya ang kanyang electoral protest sa third cause of action.
Ito ang ibinabang desisyon ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).
Sa desisyon ng PET noong February 16, nakasaad na wala ng saysay para ituloy ang third cause of action ni Marcos – ito ay ang pagbasura sa 2016 election results para sa pagka-bise presidente sa Lanao del Sur, Basilan, at Maguidanao.
Nabigo si Marcos na makakuha ng substantial recovery ng boto sa mga pilot provinces.
Ibig sabihin, hindi na mababaligtad ang pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo kahit pagbigyan ang annulment.
Mananatiling lamang si Robredo ng 15,130 votes kahit ituloy ang third cause of action.
Bumoto rin ang PET na tuluyang ibasura ang election protest ni Marcos.