Hiling ni Rappler CEO Maria Ressa na makapunta sa Amerika, ibinasura ng Court of Appeals

Ibinasura ng Court of Appeals ang mosyon ni Rappler CEO Maria Ressa na makapunta sa Estados Unidos para bisitahin ang kanyang inang may sakit.

Ito’y sa kabila ng pagpayag ng apat na korte na makaalis ng bansa si Ressa.

Ayon sa CA, ang naturang mosyon ay kaparehas lamang din ng naunang nabasurang mosyon ni Ressa na makabyahe rin.


Una nang inihain ni Ressa noong December 1 ang kaniyang mosyon sa CA para mabigyang konsiderasyon ang kaniyang hiling na mabisita ang kaniyang ina sa Florida na na-diagnose na mayroong breast cancer.

Bibiyahe sana patungong US sa December 19 si Ressa at babalik sa bansa sa January 11, 2021.

Facebook Comments