Manila, Philippines – Iginiit ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang bumaba sa pwesto sa susunod na taon sakaling maaprubahan ang isinusulong na federal form of government.
Ito ang naging pahayag ng Pangulong Duterte kung saan nais niyang tapusin na agad ng kongreso at ng Consultative Committee (Con-Com) ang pagbabago sa draft federal constitution.
Sa kabila nito, hiniling din niya na tapusin na ang kaniyang termino bago pa man mangyari ang transisyon mula sa unitary papunta ng federal form of government.
Sinabi pa ni Duterte na kung nais ni Vice President Leni Robredo na maging Pangulo kapag nabago na ang konstitusyon ay wala daw itong problema kaya at kailangan lang daw na kumbinsihin niya ang kaniyang mga kapartido sa Senado na aprubahan ito.
Matatandaan na inamin ng Consultative Committee (Con-Com) na hindi pinagbabawal sa draft federal constitution ang muling pagtakbo ni Pangulong Duterte.
Pero una nang ipinahayag ng Malacañang na walang balak ang Pangulong Duterte na manatili sa posisyon pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.