HILING | Pondo para sa mga testigo sa Witness Protection Program, pina-iimbestigahan

Manila, Philippines – Hiniling kay Justice Secretary Menardo Guevarra ng mga testigong nasa kustodiya ng Witness Protection Program (WPP) na imbestigahan ang kasalukuyang estado ng WPP.

Ayon sa mga testigo sa WPP, napabayaan ng nakalipas na administrasyon ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang mga pangangailangan, tulad ng pagkain at mga pangunahing personal na pangangailangan.

Anila, kadalasan ay mga piskal ng DOJ ang nagpapakain sa kanila.


Sumulat na rin anila sila kay Witness Protection Program Director Nerisa Carpio subalit wala pa itong tugon sa kanilang mga hinaing.

Nabatid na bukod sa mga testigo ay madalas din naaantala ang sweldo ng mga security personnel na nagbabantay sa mga testigo na nasa kustodiya ng WPP.

Nabatid na ang namamahala sa WPP ay si Justice Undersecretary Raymund Mecate na ngayon ay nakabinbin ang inihaing courtesy resignation, matapos umalis si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Facebook Comments