HILING | Sharon Cuneta, wish na makasama sa isang concert si Regine Velasquez

Manila, Philippines – Hangad ngayon ni Megastar Sharon Cuneta na makasama sa isang concert si Asian Songbird Regine Velasquez.

Ito ang naging pahayag ni Sharon sa kaniyang komento sa instagram post kung saan ipinagdarasal niyang makasama sa isang concert si Regine.

Aminado rin si Shawie na hinahangaan niya si Regine kung saan nagkaroon na sila ng duet sa ilang television shows, pero hindi pa sa isang concert.


Naging positibo naman ang reaksiyon ng ilang mga tagasuporta ng dalawa at umaasa din sila na mangyayari ito sa mga susunod na araw.

Facebook Comments