UNITED STATES – Unanimous ang naging desisyon ng tatlong miyembro ng panel ng judges ng 9th circuit court of appeals sa California na huwag pagbigyan ang hiling ng white house na emergency order para ma-reinstate ang kontrobersyal na travel ban ni US President Donald Trump.Nangangahulugan ito na patuloy na makakapasok ang mga refugees at mamamayan mula sa Iraq, Syria, Iran, Libya, Somalia, Sudan at Yemen.Batay sa desisyon ng appeals court, may makapangyarihang interes ang publiko sa seguridad ng Amerika at sa kakayahan ng Chief Executive na magpatupad ng mga polisiya.Matatandaang naggulot ng mga pagkilos ang deklarasyon ni Trump na travel ban sa mga refugees at mamamayan ng mga Islamic country.
Facebook Comments