“Himagsikan Para Kay Kian”, ikakasa ngayong hapon sa People Power Monument

303

Caloocan City – Magsasagawa ng rally mamayang ala-sais ng gabi ang mga kaanak at kaibigan ni Kian Loyd Delos Santos, ang grade 11 student na napatay ng mga pulis sa isinagawang Oplan Galugad sa Caloocan City noong nakaraang linggo.

Ang rally na tatawaging “Himagsikan Para Kay Kian” ay idadaos sa People Power Monument.

Nanawagan naman si University of the Philippines Center for Women’s Studies Director, Professor Sylvia Claudio na siyang nag-organisa ng rally na kung maaari ay huwag nang gumamit ng anumang organizational posters para hindi mahaluan ng politika ang kanilang gagawin.


Sabi naman ng Malakanyang, iginagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isasagawang rally mamaya basta’t tiyakin lang ng mga ito na hindi sila makaka-istorbo sa daloy ng trapiko.

Facebook Comments