HIMALA? | Imahe ng mukha ng poong Nazareno, nagpakita sa bunga ng niyog

Camiling, Tarlac – Dinadagsa ngayon ng mga deboto ng poong Nazareno ang puno ng niyog sa Camiling, Tarlac dahil sa lumitaw na imahe ng poon sa mismong bunga nito.

Bisperas ng Bagong Taon nang makita ni Crispin Martin ang puno sa kanyang bakuran.

Sinubukan umano niyang sungkitin ang bunga ng niyog pero napansin niyang tila ayaw nitong matanggal sa puno.


Dito na niya nakita ang imahe sa bunga ng niyog.

Bukas-loob namang nagpapapasok ang pamilya ng mga debotong gustong tingnan at magdasal sa imahe.

Ayon sa mga eksperto, “pareidolia” ang tawag sa mga imaheng nakikita sa mga ordinaryong bagay, gaya ng mga hugis ng tao o mukha sa ulap.

Facebook Comments