Himutok ni Sec. Duque sa COA, ‘Winarak ninyo ang dangal ng DOH’

Emosyonal na sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Commission on Audit (COA) ang malaking epekto ng ulat nito sa mga opisyal ng DOH.

Kaugnay ito sa inilabas na ulat ng COA tungkol sa umano’y deficiencies sa paggamit ng P67.3 bilyong pondo sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts kahapon, inamin ni Duque na “sleepless” na ang mga opisyal ng DOH mula nang ilabas ng COA ang kanilang annual report.


Hinimok naman ng DOH ang COA ang ikonsidera ang ulat nito dahil kasalukuyang nasa state of public health emergency ang bansa.

Facebook Comments