Chile – Tatlong araw bago ang nakatakdang pagbisita doon ni Pope Francis sa Chile, sinalakay ng mga vandals ang tatlong simbahan sa nasabing bansa.
Hinagisan ng bomba ng mga suspek ang mga simbahan na nagdulot ng mga maliliit na pinsala, at nag-iwan din sila ng mga banta laban sa Santo Papa.
Nagpakalat din sila ng mga pamphlets kung saan nakasaad ang banta na ang susunod na bomba ay ilalagay na nila sa robe ni Pope Francis.
Ayon kay Interior Minister Mahmud Aleuy, mayroong karapatang magprotesta ang mga mamamayan, pero ibang usapan na kung gagamit ang mga ito ng karahasan.
Sa Lunes nakatakdang dumating si Pope Francis sa Chile, habang sa Martes naman gaganapin ang misa sa Santiago Park na inaasahang dadaluhan ng 500,000 indibidwal.
Facebook Comments