HINAHAMON | PRRD, hinamon ng grupong UFCC na tuparin ang kanyang pangako tungkol sa mga Oligarko

Manila, Philippines – Hinamon ng grupong United Filipino Consumers and Commuters si Pangulong Rodrigo Duterte na kung talagang galit ang Pangulo sa mga Oligarko dapat manindigan siya kung ano ang kanyang sinabi noon at dapat aksyunan na kaaagad nito ang problema ng pagtaas ng presyo ng tubig.

Ayon kay UFCC President RJ Javellana, ang mga Oligarko aniya ay wala silang pakialam sa mga problema sa ipinupukol kay pangulong Duterte.

Paliwanag ni Javellana, maraming mga isyu na dapat tutukan ng Pangulo na malapit sa sikmura ng mga Pilipino kabilang na ang isyu sa taas singil sa Maynila kung saan noon 2008 ay sobra- sobrang tubo ang kanilang nakukuha mula sa mga consumers.


Dagdag pa ni Javellana mistulang natutulog ang mga opisyal ng DOE sa taas ng presyo ng petrolyo na dapat sana ay kastiguhin ng pangulo ang kanyang mga Gabinete na walang ginagawang aksyon sa taas ng singil sa kuryente at tubig.

Plano umano nilang magsampa ng TRO para pigilan ang mga pagtaas ng singil sa kuryente at tubig dahil apektado na rito ang sikmura ng sambayanang Pilipino.

Facebook Comments