HINAHANAP PA | 5 pang container ng shabu, kasalukuyang tinutunton ng PDEA

Manila, Philippines – Lima pang containers ng shabu ang patuloy na tinutunton ng PDEA.

Kasunod ito ng pagkakasabat sa 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 4.3-billion pesos sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Maynila.

Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino – nakatanggap sila ng impormasyon na hindi lang isa kundi anim na container van ang pinaglagyan ng mga iligal na droga.


Nangangamba naman si Aquino na posibleng nailabas na sa pier ang lima pang container.

Duda rin daw siya kung talagang galing sa malaysia ang nasabing shipment ng Vecaba Trading na pag-aari ng isang Vedacio Cabral Araquel.

June 28 pa nang dumating sa bansa ang shipment na idineklara bilang mga doorframe, pero makalipas ang isang buwan, wala pa ring nagke-claim dito dahilan para magsagawa ng inspection ang PDEA at Bureau of Customs.

Facebook Comments