Manila, Philippines – Walang saysay at walang kabuluhan. Ganito mailalawaran ni Dating Pangulong Noynoy Aquino ang reklamo na inihain sa kanya sa Commission on Elections kaugnay sa umano’y paggamit ng budget para sa Dengvaxia vaccine noong kasagsagan ng eleksyon noong May 2016. Sa kanyang pagharap sa COMELEC, iginiit ng dating pangulo na hindi klaro ang mga reklamo na ipinupukol sa kanya at kumpiyansa siyang malulusutan ito. Batay kasi sa reklamo ay gumastos daw sya ng pera para paburan ang isang kandidato na malinaw na paglabag sa election ban. Tinawag ito ni Aquino na “Electioneering” Paliwanag ni Aquino, ang Election Ban ay nagsimula noong March 25, 2016 habang ang issuance naman ng purchase ng Dengvaxia ay noong March 9, 2016. Sa madaling salita, harassment lang umano ang pakay ng mga nagsampa ng kaso at nagpapansin lang para ma-appoint sa pwesto. Kabilang din sa humarap sa COMELEC ay si dating Health Secretary Janette Garin. Magugunitang humarap na rin si Aquino sa pagdinig ng Senado at Kamara kaugnay ng kontrobersiyal na Dengvaxia para linisin ang pangalan. Giit ni Aquino na walang anomalya at dumaan sa tamang proseso ang kanilang pagbili at pagpapatupad sa Dengvaxia Mass vaccination.
HINAHARAS LANG | Dating Pangulong Noynoy Aquino, iginiit na walang basehan ang mga reklamo laban sa kanya
Facebook Comments