Manila, Philippines – 100 milyong piso ang ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga lumad na matinding naaapektuhan ng pangha-harass ng teroristang New Peoples’ Army.
Ayon kay Pangulong Duterte, gugugulin ang pondong ito para makapamuhay ng maayos ang mga lumad malayo sa kaguluhan.
Pinayuhan din naman ni Pangulong Duterte ang mga lumad na iwasan na makipag-usap o makipagtransaksyon at sumanib sa NPA dahil wala namang patutunguhan ang mga ito.
Bukod sa nasabing pondo ay nangako din si Pangulong Duterte na bibigyan ng pabahay at hanap buhay ang mga Lumad para mailayo ang mga ito sa impluwensiya ng NPA.
Matatandaan na inasatasan ni Pangulong Duterte ang TESDA na bigyan ng sapat na training ang mga Lumad para magkaroon ang mga ito ng pagkakataon na mamuhay ng mas maayos at magkaroon ng pagkakataong umunlad.