Manila, Philippines – Nangako ang North Korea na ipararating nito sa Pyongyang ang hinaing ng ASEAN hinggil sa missile tests ng NoKor.
Ang pangako ni North Korean Foreign Minister Ri Yong-Ho ay kasunod ng pakikipagpulong dito ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano
Si Cayetano kasi ang tumatayong Chairman ng ASEAN Foreign Ministers Meeting.
Sa kanyang pagharap kay Minister Ri, sinabi ni Cayetano na siya ang naatasan ng ASEAN member nations para ipaabot ang apela sa North Korea na tumalima sa UN Security Council Resolutions at sundin ang international laws.
Nagpasalamat naman si Minister Ri kay Cayetano sa pagpapa-abot nito ng sentimiento ng mga kasapi ng ASEAN hinggil sa sitwasyon sa Korean peninsula.
Facebook Comments