Hinaing ng mga guro na magsisilbi sa halalan, pina-aaksyunan sa DBM at CSC

Pinayuhan ng Commission on Election (COMELEC) ang mga gurong magsisilbi sa halalan na iparating din sa Civil Service Commission at sa Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang hirit na overtime pay at paglilibre sa buwis ng honorarium.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, handa sana silang iendorso ang mga hirit ng mga guro kaya lamang ay kailangan aniya nilang sundin ang itinatakda sa joint-circular ng Civil Service Commission (CSC) at Department of Budget and Management (DBM) para hindi sila makwestyon ng Commission on Audit (COA).

Nilinaw rin ni Garcia na wala namang problema sa pondong ilalaan dito, dahil madali naman aniya itong magawan ng paraan sa ilalim ng kasalukuyang budget ng COMELEC.


Niinaw din ni Garcia na kung sakaling kulangin ng pondo, ay madali silang makipag-ugnayan sa Department of Budget and Management.

Facebook Comments