HINAING NG MGA MANGINGISDA SA LINGAYEN, DININIG SA ISINAGAWANG PAGPUPULONG

Ilang mga mangingisda sa Lingayen ang naglabas ng kanilang hinaing ukol sa kanilang mga problema pagdating sa kani-kanilang mga hanap buhay.
Sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office ng Lingayen ay dininig ang mga ito sa pamamagitan ng pagpupulong sa mga mangingisda sa bayan partikular sa mga mangingisda ng Brgy. Libsong East, Poblacion at Maniboc.
Isa umano sa problemang kinakaharap ng mga mangingisda roon ay ang patungkol sa “kalurkor” o Seine Fishing dahil sa hindi umano pagkakaroon ng pagkakaunawaan sa lawak ng lugar na maaaring sana nilang sakupin sa kanilang pangingisda.

Isa naman sa naisip ng Municipal Agriculture Office patungkol sa isyu na ito ay ang pagkakaroon ng schedule ng kanilang mga mangingisda kada barangay nang sa gayon ay hindi umano sila magkalituhan pa sa mga araw na pwedeng mangisda.
Nagbigay rin ng paalala at babala ang PNP, Bantay Dagat at Fisheries and Aquatic Resources Management Council o FARMC na huhulihin ang sinumang makikitang dayo na iligal na nangingisda o trawling activity karagatan na sakop ng Lingayen. |ifmnews
Facebook Comments