Pinakinggan ang mga hinaing ng mga Muslim Vendors at Traders na nagbebenta sa pamilihang bayan ng Lingayen.
Inilahad sa pagpupulong na isinagawa ang mga problema ng mga Muslim vendors at traders partikular na hindi umano pagkakaroon ng mga ito ng sapat na espasyo sa pagbebenta.
Kasama sa pagpupulong ang alkalde ng Lingayen na siyang duminig sa mga hinaing ng mga nasabing vendors at traders at nagbigay ng maaaring maging agarang aksyon at solusyon.
Dagdag pa ng alkalde, sumunod sa obligasyon bilang mga manininda ang mga ito para magkaroon ng good relationship sa pagitan ng mga traders at mamimili.
Tinaggap naman ng mga Muslim vendors ang naging sagot nito at inihayag ang pagtanggap at pagsunod sa mga ipinapatupad na hakbang ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen. |ifmnews
Facebook Comments