Hinaing ng mga ralyista sa gobyerno, hindi dapat isantabi ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, hindi dapat isantabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinaing ng mga nagsagawa ng kilos protesta laban sa pamahalaan nitong September 21.

Ayon kay Lacson, dapat tugunan pa rin ng gobyerno ang hinaing ng mga rallysta kahit na nasa ilang libo lamang ang dami nila.

Paalala ni Lacson, malinaw sa kasaysayan ng buong mundo na ang pagbagsak ng ilang pamunuan ay nagmula sa mga maliliit na boses at maliliit na grupo.


Tiwala naman si Lacson na hindi manhid si Pangulong Duterte dahil agad naman itong umaaksyon sa mga negatibong isyu at agad itinatama ang mga maling hakbang ng mga ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments