Naganap ang isang protesta kahapon araw ng Lunes, April 3, ng natanggal na mga volunteer workers at job order employees ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ukol sa naipasang annual budget para sa taong 2023 bagamat kinokonsiderang kulang.
Matatandaan na naipasa ang matagal ding nakabinbing budget noong March 28 na may halagang halos 865 na milyong piso, salungat sa inaasahang halaga ng proposed budget ng kasalukuyang administrasyon na 1.3B pesos.
Mula umano sa natapyas na halos 500 milyon pesos manggagaling ang mga sahod ng mga volunteer workers at 769 na job order employees ng lokal na pamahalaan, gayundin ang allowances ng mga Barangay Health Workers, Barangay Tanod, Health at Emergency workers.
Sunod sunod ang naging pagpapahayag ng mga hinaing ng mga napabilang sa nawalan ng trabaho at kahapon lamang ng umaga naganap ang protesta at tila isang Black Monday dahil nagtipon tipon ang mga ito sa City Plaza suot ang itim na damit pagpapahiwatig ng kanilang simpatya sa mga natanggalan ng trabaho at hindi sapat umano na pondo ng siyudad.
Samantala, hindi pa tukoy kung pansamantala o pinal na ang pagkakatanggal sa mga JO at Volunteer Workers ng LGU Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments