Hinala na mga terorista ang mga napatay  na gun-for-hire sa Batangas, dapat binerepika munang mabuti bago isinapubliko

Pinasabihan ni Senator Panfilo Ping Lacson ang mga otoridad na huwag agad maglabas sa publiko ng mga sensitibong impormasyon na hindi pa berepikado dahil maari itong magdulot ng pagka-alarma.

Ang tinutukoy ni Lacson ay ang report na posibleng mga terorista ang tatlong gun-for-hire na nasawi makaraang maka-engkwentro ng pulisya.

Giit ni Lacson, dapat kinumpirma munang mabuti ang hinala laban sa tatlong suspek bago isinapubliko.


Ikinatwiran ni Lacson na hindi sapat na basehan ang pagsigaw ng mga suspek ng “Alahu Akbar” bago makipagbarilan sa pulisya para sabihin na terorista ang mga ito.

Sabi ni Lacson, kung totoo na sila nga ay mga terorista, dapat ay agad magsagawa ng follow-up operations ang mga otoridad.

Diin pa ni Lacson, dapat ay makipag-uganayan din agad sa intelligence community ang pulisya at sa mga specialized units na sinanay na mabuti sa paghawak sa mga sitwasyon na kanektado sa terorista.

Facebook Comments