Hinala na posibleng konektado ang DDS sa kaso ng mga nawawalang sabungero, sisilipin ng House Quad Committee

Para kay Manila 6th District Rep. Benny Abante, kailangan ang malalimang imbestigasyon sa anggulong inihayag ni Justice Secretary Crispin Remulla na posibleng may kaugnayan ang Davao Death Squad (DDS) sa pagpatay sa mga nawawalang sabungero.

Bunsod nito ay sinabi ni Abante na ito ay mainam na tutukan din ng House Quad Committee na planong i-convene muli ngayong 20th Congress.

Punto ni Abante, lumalabas ngayon na maaaring may koneksyon ang iligal na sugal at extra judicial killing (EJKs).

Magugunitang isa ang EJKs sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration sa inimbestigahan ng house quad committee sa nagdaang 19th Congress bukod sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at operasyon ng ilegal na droga.

Facebook Comments