HINALAY NI COACH? | Pabuya sa makapagtuturo sa volleyball coach na umano’y nanghalay sa 12-anyos na player, inilabas

Manila, Philippines – 100-libong pisong pabuya ang inilabas ng Lawyers For Commuters Safety And Protection para mahuli na ang rapist na umano’y makailang beses na humalay sa 12 anyos nitong babaeng manlalaro.

Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, isang anonymous na sumusuporta sa mga volunteer lawyers ang nagbigay ng nabanggit na halaga para matukoy ang kinaroroonan ng suspek na kinilalang si Dennis Laping.

Si Laping ay volleyball instructor ng Our Lady of Perpetual Succor sa lungsod ng Marikina at may tatlong standing warrant of arrest dahil sa mga kasong statutory rape at qualified seduction.


Sa pahayag ng batang biktima sa LCSP, madalas umanong mangyari ang panghahalay sa loob ng sasakyan ng suspek
At ilang ulit din umano siyang dinala sa isang motel sa Antipolo.

Sapilitan din umano siyang pinapainom ng walong tableta ng contraceptives kada-matapos magtalik.

Nadiskubre ang pangahahalay ng suspek matapos mabasa ng ina ng biktima ang palitan ng text messages sa kanyang coach mula Pebrero hanggang Abril 2017.

Facebook Comments