HINALO | Isang babae, arestado nang mabistong isinama sa sinangag na kanin ang sachet ng shabu sa Camarines Sur

Camarines Sur – Arestado ang isang babae matapos mabistadong isinama niya sa sinangag na kanin ang isang sachet ng shabu sa Barangay Sta. Cruz sa bayan ng Bato, Camarines Sur.

Ayon kay PO2 Roger Vincent Tuyay, agad napansin ng mga otoridad ang kawali na may sinangag na kanin nang pasukin ang bahay ng suspek na si Marieta Santor.

Sa unang tingin, aakalain mong pang-almusal lang ang sinangag pero nang suriin ay nakita ang lalagyan ng ointment na may sachet ng hinihinalang shabu.


Nadiskubre rin sa kwarto ni Santor ang iba pang pakete ng shabu na itinago naman sa cellphone.

Sa kaparehong barangay, sinalakay din ng mga pulis ang bahay ni Prosperotigue at nakuha sa kaniyang higaan ang posporong may shabu.

Kapwa naman itinanggi ng mga naarestong suspek ang paratang.

Facebook Comments