HINAMON | CJ De Castro, hinamon ang kanyang mga kritiko na tingnan ang kanyang track record

Manila, Philippines – Hinamon ni Supreme Court Chief Justice Teresita Leonardo De Castro ang kanyang mga kritiko na tingnan na lamang ang kanyang track record kaysa i-bash siya.

Ayon kay De Castro, kailangan ng mga kritikong tingnan ang kanyang record para malaman ang kanyang nagawa sa loob ng 45 taon sa judiciary.

Payo pa ni De Castro sa kanyang mga kritiko na mag-move on na.


Binalewala naman ni De Castro ang impeachment complaint na inihain ng mga mambabatas laban sa kanya.

Depensa ng Punong Mahistrado, maiksi na lamang ang panahon ng kanyang panunungkulan kaya hindi na niya iniisip ang reklamo laban sa kaniya.

Itutuon na lamang aniya niya ang kanyang pansin sa napakarami nitong trabaho bilang bagong mahistrado ng SC.

Facebook Comments