HINAMON | Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, muling hinamon si House Speaker Pantaleon Alvarez na magbitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Muling hinamo*n* ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio si House Speaker Pantaleon Alvarez na magbitiw sa puwesto kung totoong sumusuko na ito sa kanilang bangayan.

Sa kaniyang talumpti sa ika-19 na women’s summit meeting sa lungsod ng Davao, sinabi ni Inday na walang bilib ang House Speaker sa kanya porket isa lamang siyang babae.

Matatandaang nagsimula ang away ng dalawa matapos sabihin ni Alvarez na kabilang sa oposisyon ang alkalde dahil sa pagbuo nito ng regional political party na hugpong ng pagbabago.


Una na ring sinabi ni Alvarez na suko na siya kay Inday pero tikom ang bibig niya kung tinangka niyang kausapin at makipagsundo sa alkalde.

Facebook Comments