Manila, Philippines – Hinamon ni Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao si Pangulong Duterte na sertipikahan bilang ‘urgent’ ang inihaing House Bill 555 o Genuine Agrarian Reform Bill o GARB.
Ayon kay Casilao, ito ay bilang patunay kung talagang seryoso nga si Pangulong Duterte sa pangako nitong itutuloy ang reporma sa lupa, may peace talks man o wala.
Pero, duda pa rin si Casilao sa binitawang salita ng Pangulo dahil ilang beses itong nangangako pero hindi tinutupad.
Ilan sa mga pangakong napako ng Presidente ay ang pagtutulak ng kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na palaging nakakansela, ang pagtatalaga ng isang militanteng Agrarian Reform Secretary pero inabanduna naman ng Pangulo noong araw ng kumpirmasyon at marami pang pangako sa taumbayan.
Wala na aniyang integridad ang mga salita ng Pangulo kaya nararapat lamang din ang pagkilos ng mga grupo ng mga magsasaka at mahihirap para sila na lang mismo ang magtulak ng Genuine Agrarian Reform.