HINAMON | Gobyerno, pinapakilos laban sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Hinamon ng opposition senators ang pamahalaan na umaksyon laban sa patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng report na may dalawang war planes ang China na lumapag sa Panganiban Reef.

Para kay Liberal Party o LP President Senator Francis Pangilinan, hindi katanggap-tangaap ang ginagawa ng China kung saan tila nagiging barangay na lang nito ang ating bansa.


Nais ding malaman ni Pangilinan, kung tinalakay ba ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa China ang tungkol sa ating teritoryo at soberenya.

Hiling naman ni Senator Bam Aquino, isapubliko ang anumang kasunduan ng Pilipinas sa China upang maging malinaw kung ano ang kapalit o kondisyong kaakibat ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Hamon naman ni Senator Risa Hontiveros sa Administrasyong Duterte ipa-deport din ang mga Chinese officials sa bansa dahil sa ilegal na pag-okupa ng China sa ating teritoryo.

Muli namang ipinaalala ni Senator Antonio Trillanes IV ang pangako ni Pangulong Duterte noong panahon ng kampanya na mag-jetski patungong West Philppine Sea para magtirik ng Philippine flag pero gagawin lang pala anya tayong probinsya ng China.

Facebook Comments