HINAMON | Joma Sison, hinamon na umuwi ng Pilipinas

Manila, Philippines – Hinamon ng Malacañang si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison na umuwi ng Pilipinas.

Ito ay upang makita mismo ang independent foreign policy ng administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tigilan na ni Sison ang mga propaganda at pag-aatake nito mula sa malayo.


Kahabag-habag aniya ang mga kritisismo ni Sison ukol sa isyu ng West Philippines Sea.

Giit ni Panelo, ang Pangulo ay may posisyon para magdesisyon hinggil sa mga pandaigdigang usapin.

Dapat nang tanggapin ni Sison na hindi kailanman matutupad kanyang pangarap na political power.

Facebook Comments