HINAMON | Kampo ni Bongbong Marcos, hinamon si VP Leni na ilabas ang tunay na video footage ng swimming party

87

Manila, Philippines – Tinawag na palusot ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ang kontra manifestation ni Vice President Leni Robredo na humihiling na ilabas ang video footage ng swimming party ng mga revisor nito at staff ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

Ayon kay Atty Vic Rodriguez, tagapagsalita ni  Bongbong Marcos, hinahamon nila si Robredo na ilabas ang video footage para magkaalaman kung ito nga ay tunay at hindi produkto ng kasinungalingan.

Sa kaniyang counter manifestation, nilinaw ni Robredo na ang swimming party ay hindi ginanap sa Pansol, Laguna kundi sa 4th floor ng PET building kung saan hagip umano ito ng CCTV camera.

Aniya, ang mga larawan na inilabas ay malinaw na patunay na corrupted na ng kampo ni Robredo ang PET revisor.

Giit ni Atty. Rodriguez, huling-huli na nagpapalusot pa ang bise president.

Facebook Comments