HINAMON | Listahan ng mga barangay officials na sangkot sa droga, ipinasasapubliko na

Manila, Philippines – Hinamon ni Iligan City Representative Frederick Siao ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilabas na ang limstahan ng ga pangalan ng mga barangay officials na sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

Giit ni Siao, dapat na isapubliko na ang nasa 289 barangay officials ngayong ilang linggo na lamang ay nalalapit na ang May 14 Barangay at SK elections.

Paalala ng kongresista, dapat tuparin na ng PDEA ang nauna nitong pangako na isasapubliko ang mga barangay officials na dawit sa iligal na droga upang hindi na iboto ng taumbayan.


Mababatid na nangako si PDEA Director General Aaron Aquino na papangalanan ang mga barangay officials na sangkot sa droga upang i-reject na ito agad ng electorate bago pa man sumapit ang halalan.

Mahalaga din aniya na mabigyang impormasyon ang publiko tungkol dito gayundin ay bigyang pagkakataon ang mga barangay officials na makapagpaliwanag laban sa mga alegasyon ng iligal na droga.

Facebook Comments