HINAMON | Mga barangay officials na kasama sa narco list, pinapakasuhan na ni Senator Gatchalian

Manila, Philippines – Hinamon ni Senator Win Gatchalian ang mga otoridad na kasuhan na ang mga barangay officials na kasama sa narco list.

Ginawa ni Gatchalian ang pahayag sa harap ng mga mungkahi na isapubliko ang narco list bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections ngayong Mayo.

Giit ni Gatchalian, dapat suportado ng intelligence report at matitibay na ebidensya ang laman ng narco list para para mahadlangan nito na lumahok pa sa barangay elections ang sinumang sangkot sa ilegal na droga.


Nangangamba si Gatchalian na magamit lang sa pamumulitika ang narco list kapag ito ay inilabas ng hindi pa berepikado.

Facebook Comments