Manila, Philippines – Hinamon Liberal Party o LP president Senator Kiko Pangilinan ang mga opisyal ng pamahalaan na gawin ng maayos ang tungkulin sa bayan katulad ng ating mga bayani.
Giit ni Pangilinan, makabubuting tapatan ng mga namumuno ang mga katangian ng mga bayani na taglay ng mga Pilipino katulad ng pagsasakripisyo, pagiging madiskarte, palaban at hindi pagsuko sa mga problema sa bansa.
Binanggit pa ni Pangilinan ang ilan sa mga dapat tugunan ng ating mga leaders ang pag-aayos sa pampublikong transportasyon at paglikha ng trabahong sapat ang sweldo at hindi endo.
Gayundin aniya ang paghuli at pagkukong sa mga mandarambong ng pera ng bayan bilang pagpapahalaga sa buwis na pinagpawisan ng mamamayan at ang gawing abot-kaya ang mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain, lalo na ang bigas.
Bukod dito ay hinkayat din ni pangilinan ang ating mga pinuno na tularan ang yumaong si US Senator John McCain na sinagot at hinarap ang tawag ng kasaysayan sa pagsusundalo man o sa pulitika.