Manila, Philippines – Hinamon ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani
Zarate ang Duterte Administration na isama sa priority bills ang panukala
na pumapayag na busisiin ang mga bank accounts ng mga opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Zarate, ang mga undisclosed bank accounts ng mga opisyal at
empleyado ng pamahalaan na nasasangkot sa katiwalian ang dahilan kaya hindi
nagtatagumpay ang anti-corruption campaign ng pamahalaan.
Ginagamit aniya ang Bank Secrecy Law na panangga ng mga corrupt na opisyal
kaya nahihirapang patunayan sa korte ang alegasyon ng korapsyon.
Giit ni Zarate, kung hindi lamang pag-iingay ang war on corruption ni
Pangulong Duterte ay dapat suportahan at ipasa agad ang House Bill 7146.
Sa ilalim ng panukala, bukod sa pagsusumite ng SALN, inoobliga na rin ang
mga government officials at employees na magsumite ng waiver sa Ombudsman
para masilip ang kanilang mga local at foreign currency bank deposits.
Partikular na obligadong magsumite ng waiver ang mga cabinet secretaries,
senators, congressmen, at kahit pa ang Presidente.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>