Manila, Philippines – Hinamon ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) si Pangulong Rodrigo Duterte na magsisi at magnilay-nilay sa kaniyang pahayag laban sa Diyos.
Hinikayat rin ng grupo ang publiko na ihayag ang kanilang pagtutol sa umano ay paglapastangan ng Pangulo sa publiko.
Nilagdaan naman nina Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP Episcopal Commission at SLP President Maria Juliet Wasan ang pahayag ng grupo na binubuo ng mahigit 50 miyembro ng simbahan sa buong bansa.
Facebook Comments