HINAMON | Pangulong Duterte, hinikayat na sampahan na ng kaso si resigned Tourism Sec. Wanda Teo

Manila, Philippines – Hinamon ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano si Pangulong Duterte na sampahan ng kaukulang kaso si resigned Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo at ang iba pang sangkot sa kwestyunableng P60 Million ad placement na ibinigay sa BITAG Media Unlimited Inc.

Ayon kay Alejano, kung talagang seryoso ang Presidente sa hindi pagkunsinti sa mga dating miyembro ng gabinete na sabit kahit sa katiting na korapsyon, dapat itong aksyunan agad sa pamamagitan ng paghahain ng kaso.

Ito rin aniya ay para sa transparency at accountability sa publiko para maipakita ang paglaban sa korapsyon ng pamahalaan.


Pinuri naman ng mambabatas ang Commission on Audit matapos na matuklasan ang kwestyunableng ad placement ng DOT.

Ang report ng COA ang naging daan para matuklasan ang korapsyon ng DOT at naging dahilan din sa pagbibitiw ni Teo.

Samantala, bumuo naman na ng fact-finding investigation ang Ombudsman para imbestigahan si Teo.

Facebook Comments